profile links tagboard


» CCCian at heart. (: @ Sunday, June 28, 2009

" I really miss my previous school, Cainta Catholic College. I miss the environment, facilities, school staffs, teachers and ofcourse, my fellow CCCians. ..



CCC ba ? haha. Nakakamiss talaga. Marami na kasi akong natutunan diyan e. Natuto akong magsulat, magbasa, magkacrush, mapatawag sa office, bumuo ng tropa, magkalovelife at kung anu-ano pa. :D

Classroom
- sa iba't ibang room na napasukan ko, may iba't ibang itsura. At sa mga iba't ibang itsura na iyon, marami akong naging kaibigan. Sa classroom, diyan ako sumaya, kinabahan, umiyak, nalungkot, nakipagsigawan, nakipaghabulan, napahiya, kinilig ,tumawa na parang walang bukas at marami pang iba. :D

Comfort Room
- haha. Masaya din dito. LOL. Dahil pinaghihigpit samin ang magdala ng cellphone at iba pang gadgets, diyan kami nagtetext o nagkukuhaan ng litrato. Ssssh! Hahaha. At hindi ko din maisip kung bakit nga ba gustong gusto naming mga babae sa Comfort Room. Kada tapos ng isang asignatura e halos kalahati ng babae samin sa room nun e nasa Comfort Room. Hahaha. LOL.

Clinic
- namimiss ko na yung mga nurse dito. Kahit na minsan e yung pinapainom nilang tubig samin e hindi pa umaabot sa stomach. Hahaha. Mahal na mahal ko mga tao diyan. Sila lang naman ang gumamot sa mga sugat ko nung intrams. Haha. Diyan ako madalas kapag di ko na talaga mapigilan ang antok ko sa isang asignatura. Kesa naman maging bastos ako dahil tinulugan ko ang titser. Di ba?? Hahaha.

Gym
- wala naman masyadong kakaibang memories dito. Minsan, diyan kami nagp-P.E. kapag umuulan. Ang pinakaespesyal na memories ko lang diyan e nung sinali ako sa United Nations. Ms. Thailand ang lola mo. LOL. Dahil sa hindi naman ako magaling kumanta, mahiyain sumayaw at hindi pa natutuklasan ang talent sa pag-arte ( naks. Hahaha. ), tumula na lang ako ng "God made the world, God made the sky, Chuchu.". Hahaha. Pero ayos lang. Nakuha ko naman ang award na "Best in Costume". Hahaha.

Corridor
- isa din ito sa mamimiss ko. LOL. Tambayan iyan ng mga estudyante kapag late dumating ang kanilang titser. Tapos kapag paparating na e magsisipasukan sa silid-aralan na tila nakakita ng multo. Hahaha. Diyan mo din madalas makita pag break ang mga magkakatropa na malalakas mangtrip. Minsan nga e pag dumadaan ka e bigla ka na lang papalakpakan o haharangan yung dinadaanan mo. Papansin ba?? Hahaha. Sadyang wala lang silang magawa sa kanilang mga buhay. :D

Canteen
- paborito ko itong tambayan noon. Lalo na pag break, minsan nga e sa isang lamesa e kami-kami lang mga magkakaklase o magkakaibigan ang nandoon. Hahaha. Kaso bihira lang mangyari. Nagmahal kasi mga pagkain e kaya nagbaon na lang ako. Krisis na e. Hahaha. At minsan pumupunta ako diyan hindi lang para bumili ng pagkain. Dadaan din ako sa canteen kapag gustong sumilay sa crush. Hahaha. Masama?? LOL.

Ayun, hanggang diyan na lang muna. Gagawa pa kasi ako ng mga takdang aralin e. Hahaha. LOL.




.. even though, I'm not studying in Cainta Catholic College
anymore, I'm still a CCCian AT HEART. " (:

Labels: , ,


▲ back to the top | comment | 0 comment(s)