
Bonding Time with Friends.
June 20, 2009, the day I'll never forget. After a long decades ( haha. LOL. ) nakasama ko ulit ang Childhood Bestfriend ko. Halos 2 years din kaming di nagkita. Tapos nakasama ko din yung isa kong Close Friend. Siya naman e matagal na namin pinaplanong magbonding together kaso hindi laging natutuloy. Ewan ba, kahit ang lapit lapit na ng bahay namin sa isa't isa e nagkakaganun pa. Haha. Tapos ayun, ito kasing pinaplano naming gala e nung bakasyon pa namin pinaplano. E dahil sa sobrang hectic ang aming mga schedule at sa kaartehan ko ( LOL. ) e kaya ngayon lang naasikaso. Ayan, ang haba ng introduction ko. Hahaha. Kwento ko na nga. =))
11:00 am, yan nag usapan naming oras ng pagkikita. E dahil nga Filipino time, yung 11:00 namin naging 1:00. Hahaha. Akala nga ni Close Friend hindi na matutuloy e kaya nakailang text siya sakin ng "Tuloy pb?" LOL. Ang bagal ko kumilos. Haha. Nung nagkita na kami ni Close Friend edi ayun. Sabay na kami pumunta kay Childhood Bestfriend. Nung nagkita nga kami e parang ... basta. Ewan ko. Nanibago lang ako. Haay .. hindi ko naman kasi pwedeng ipost dito yung buong story kaya nagkaganun. Ayy, basta. Past is Past. :| At first nga e tumahimik ako bigla. Hiya kasi ako e. Hindi ko alam kung napatawad na niya talaga ko. Then hanggang sa jeep, tahimik pa din. At nakakainis nga yung magtatahong pasahero na katapat namin e. Nagbabalat ba naman ng sugat sa harap ko tapos titingin. Asar. Kababuyan nun ah. Haha. Well, hindi naman importante yun pero nasabi ko lang. Umeksena pa tuloy yun sa blog ko. Hahaha. Then nung nasa Mall na kami, ang cold ko pa din. Pero naisip ko wala namang mangyayari kung hindi ako magsasalita diba? Mapapanis lang laway ko. Haha. Ayun, hanggang sa naging comfortable na kami sa isa't isa. (:
Merienda time! Haha. Gutom na kami. Tapos bago kumain e nagkwento si Childhood Bestfriend ng mga pinaggagagawa niya sa school nila. Wala nga kaming masabi ni Close Friend kundi, "Ang hirap naman nun". Haha. Kaloka kasi sa school nila. Ang daming activities. Basta tumagal pa bago kami nakakain. Di rin naman kasi namin naramdaman yung gutom e. Dami kasing kwento ni Childhood Bestfriend. Haaay .. di pa rin talaga siya nagbabago. Madaldal pa din. Hehe. Tapos, nagpunta kaming bookstore. Ayun, may binili lang kaming school supplies. Tapos umuwi na din kami. Malapit na din kasi maggabi. Saka ang curfew hour ni Close Friend e 6:00pm. Tapos edi sumakay na kami ng jeep then nakauwi na. Ayun, masaya naman. Pero alam ko mas sasaya pa yun next time. Medyo nahihya pa kasi ako e. Hehe. I'm looking forward na gumala ulit kasama sila. Grabe, I miss being with my Childhood Bestfriend. :( .. Tapos, si Close Friend din. Magaan siyang kasama. Sana nga next time ulit. Pero yung next time na yun e matagal pa sa ngayon. Mag iiponpa kong pera e. Simot kasi nun e. Hahaha. Pero sulit naman, nakasama ko naman sila. (: