profile links tagboard


» Basketball is <3 @ Monday, October 26, 2009



Photobucket

October 24, 2009. <3

Grabe. I super love this day. Kagabi pa lang, biglang inaya ako ni Trisa para manuod daw ng Finals ng Laban ng San Beda at San Sebastian. Dalawang ticket na kasi yung nabili nya. Hindi naman ako tumanggi. Haha. :))) :D The next morning, naghahanda na ko. Pero as usual, Filipino time. :))) Yung 10:00am na pinag usapan namin naging 10:45am. Haha. Tapos ayun, nung nakarating na ko ng bahay nila, konting kwentuhan tapos dumalaw muna kami ng CCC upang bisitahin ang mga CCCians. Sayang nga e. Kanina pa pala kasi nag uwian nun kaya konti lang ang nakita namen. =| :| Tapos ayun, this is it na talaga. :))) Pupunta na talaga kami ng Araneta. :D Mga 12:30 ng tanghali, nandun na kami. I miss Araneta. =| :| Haha. Huling punta ko kasi ata dun e may gatas pa ko sa labi. Haha. Concert pa nga ng Westlife yun e. Pero di naman ako ganun kaignorante para manibao pa ng bonggang bongga. Haha. :P Pag punta namin, hindi pa nag uumpisa ang laro. Nagpapapraktis pa lang yung mga players sa court. Pero may isang tao din akong inaantay makita. :| =| :))) :P Ahaha. Keme lang. :P Tapos nakalipas din ang ilang sandali, ayan. nag umpisa na. Kanya-kanya ng cheer sa mga team nila with matching drums. Ang ingay pala. First time ko lang kasi makapanood ng totoong laro ng basketball na nandun ka mismo sa loob ng Araneta. Hehe. Kadalasan kasi sa tv ko lang napapanood yung mga ganung eksena. :D Habang kami'y nanunuod ng laban, dumating na din si "crush". Haha. :))) Siya yung inaantay ko. Grabe. Ang tangkad niya pala talaga in person. Parang dream come true na nga sakin nung nakita ko siya e. Kahit hindi niya ko kilala. :P Inabot din ng ilang oras yung laban. Hindi ko na nga din namanlayan na hindi pa pala ako naglulunch kasi masyado yata akong napaFocus sa laban ( at kay "crush" ) Haha. Biro lang. Hindi ko nga siya matingnan e. Nasa bandang likod kasi siya namin e ang obvious ko naman kung titignan ko patalikod. Di ba ? Haha. :D Haay. So much for that thingy, kinikilig lang ako. Haha. :))) :P Tapos so far, naging maganda naman ang laban nila. Kaso natalo ang San Beda. :( Sayang. Dikit na yung score nila e. Pero ayos lang. Panalo na din ang araw na yun sakin. Daig ko pa ang nanalo ng trophy. Haha. :P Saka totoo pala na pag nandun ka e madadala ka talaga sa laban. Yung kahit hindi mo kilala yung mga players. Ako nga e napatili na din nung nakakapuntos sila. Hindi ko naman sila kilala. Haha. :D Hindi na namin tinapos ni Trisa ang isa pang laban. Maggagabi na din kasi e. Nagpunta na lang kami ni Trisa ng Gateway at nag window shopping. Haha. Cheap enu. :))) Di kasi masyadong napaghandaan. :P Tapos ayun, ayos na ayos sakin ang araw na 'yon. Ang epekto, mas naadik lalo ako sa kanya. Haha. Grabeeeee. :X Saka pareho namang magaling ang dalawang team e. (:



Credits to : Photobucket. :P

Labels: , , , , , ,


▲ back to the top | comment | 0 comment(s)