profile links tagboard


» Saturday Madness ( October 17) @ Saturday, October 17, 2009






DONATIONS FOR THE ONDOY VICTIMS. (:

Woot Woot ! Napakasaya ko kahapon na medyo nawiwindang. LOL. Haaay, grabe. Umaga pa lang, di ko na maantay ang uwian namin para makapunta na ako agad sa bahay nila Erika. Ahaha. Miss na miss ko na talaga sila ng super. :| Kaya ayun. Habang nasa school ako, ganun pa din. Feeling ko ang tagal ng oras. Ahaha. =))) Hanggang sa inabot ako ng gutom at dumatretso sa canteen kasama si Nina. Yun pala, kanina pa ang recess namin. Waaah. So hindi na kami pinapasok. Gumagawa kasi ako ng sarili kong break time e. Ahaha. =)))Tumambay na lang kami sa isang place doon. Nakita nga kami ni Sir Rudy, ang aming principal. Dahil daw walang ginagawa, inutusan na lang niya kami na magRe-pack ng mga relief goods. So ginawa ko naman. Haanggang sa marami na kaming nautusan gumawa nun. :D Hehe. Happy ko lang kasi ang sarap pala ng feeling ng nakatulong ko kahit in your own little way. Nakikita ko pa na sa bawat naabutan namin ng relief goods e binibigkas nila ang salitang "Salamat." Kaya ayan, ang saya ko. May nagawa na din akong tunay na kabutihan sa araw na 'to. Ahaha. =))) Atleast kahit 'di ako nakaattend ng English time, mas worth naman yung time na naispend ko sa pagtulong sa kapwa. :D Ngunit di na din ako masyadong nagtagal. Dumating na din kasi service ko nun at syempre, pupunta pa ko kina Erika. :P

BONDING WITH BFF'S. (:

As expected, ang 2:00pm na napag-usapan kanina ay naging 2:30pm. Ahaha. =))) Filipino Time e. :P Nung una nga e nag-aanlinlangan pa ko kumatok sa bahay nila Erika kasi ang tahimik. E alam ko pag andun na sila e maingay dapat dun. Ahaha. =))) :P Hanggang sa nakita ako ni Erika sa labas. Pagdating ko pa nga e wala pa si Inah. Pero after ilang minutes din e dumating. So ayun, buo na araw ko nito. :) :D So ayun, dating gawi, bonding to the max pa rin ang lola mo sa kanila. Namiss ko sila e. :| =| Then mga 5:30pm, umuwi na din kami. Hehe. Uwing dalaga na kami ngayon kaya hindi na kami nagpapagabi. :P Pero isang napakalaking Unexpected Moment ang naganap habang kami'y nag-aabang ni Inah ng masasakyang tricycle. Nakita kong dumaan sa harap ko ang kotse ni Daddy. Shucks. Actually, nakita ko na yun kanina pa na lumiko sa may kabilang kanto. Ngunit di ko masyadong pinansin. Ano ba naman ang gagawin ng 'rents ko sa village na yun. Pero nung dumaan na sa harap ko, napagtanto kong sila nga. Waaah. Gulat ako nun. Buti na nga lang e hindi ako nakita kasi kung nagkataon e gulo na naman yun. :| =| Hanggang sa nakauwi na ko sa bahay ko e kinakabahan ako na baka nakita nila ako. Buti na lang e mukhang hindi nga nila napansin. Haaay, galing ko talaga umarte. Ahaha. =)))thank God :P

Basta yun, kahit ganun ang nangyare. So happy pa din ako. :D



Credits to: Photobucket. :D

Labels: , , , , , , , , ,


▲ back to the top | comment | 0 comment(s)