profile links tagboard


» Typhoon Ondoy at Cainta. :| @ Friday, October 2, 2009

Sept. 26

Mga past 9am, nagising ako dahil sa ingay ng patak ng ulan. Pagkatapos ko kumain at gumawa ng kung anu-ano, diretso na ko sa computer para magFacebook. Hha. Lagi naman e. Malakas na ang ulan nun ngunit wakopaks. :P Basta, naglalaro lang ako ng Farmville, FFS, Chat and whatsoever. Ngunit nakalipas lang ang ilang minuto, biglang taas na lang ang baha. Hmm .. siguro mga 8inches na lang ay papasukan na ang bahay namin. Edi nagbuhat-buhat na ang mga kasam ko dito sa bahay. Tumulong naman ako kahit 'panu. Hhe. :D

Waah. Mabiis talaga ang mga pangyayaro e. Napasukan na nga kami ng baha na naging kulay kape din agad dhail sa gingawang drainage malapit samin. Buti na lang mabait si Bro, hanggang third level lang ng hagdan namin ang tinaas ng tubig. Pagsapit ng gabi, edi ayun, simula na ng kalbaryo. >.< Kandila na lang ang makikitang maliwanag. Mistulang Ghostown na nga e. Buti na lang at hindi pa lowbat ang MP3 ng brother dear ko. Nakinig ako ng radio dun. Nag-worried nga ako e kai naririnig ko na lubog pa din sa tubig-baha ang ilang villages ng Cainta at Pasig. Ang ilan kasi sa mga kaibigan ko ay doon nakatira. Lalo na't sinabi na dun sa mismong vilage na yun ang lubog. :/ Haaaay.. wala akong magawa. Di ko naman matext kasi walang signal at load. At syempre, lowbat. :/

Sept. 27

Medyo humupa na ang baha. Kahapon kasi hanggang bewang, ngayon hanggang tuhod na lang. Ngunit nakatulog ako. Marahil sa sobrang pagod. Ang hirap kaya matulog ng walang kuryente. Haay. At pagsapit ng past 2pm, humuoa na ang baha. Halos ka-level na alng ng talampakan. At syempre, nagsimula nang magsilinis ng mga bahay. Asar nga na putuik yan e. Kadiri. Nahihirapanako maglinis nun kasi baka kung anung kumapit sa paa ko. Yuck. Hha. :P

Nung gabi, ganun pa din ang buhay. Ang hirap talaga ng walang kuryente. Napakainit. Kaya halos lahat ng tao nasa kalye. Asar talaga na Ondoy yan. Mabubulukan ako ng tanim sa Farmville nito e. tsk.

Sept. 28

Suspended ang klase. Syempre naman nu. E halos lahat naman binaha e. Naisip kong gumala upang tignan ang ilan villages sa Cainta at Pasig. Pero syempre, may kotse dapat. Hhe. Ayoko kayang maglakad sa tubig-baha na may kasamang putik. Maarte ako nu? Pero ganun talaga. :P Mahirap na makakuha ng mikrobyo. Hhe. Edi ayun, lahat ng tao na nadadaanan namin ay kanya-kanyang linis ng mga nabasa nilang gamit. Halos wala na ngang madaanan yung mga sasakyan e. Na-occupy na kasi nung mga binibilad na sofa, upuan, lamesa at kung anu-ano pa. Talagang devastated ang Cainta nun. :/ Di na rin nawala sa isip ko ang mga friends ko nun. Kamusta na kaya sila?? Okay lang kaya?? Yan ang mga katanungan sa isip ko. :/

Sept. 29

Marami na ang nag-abot ng tulong sa mga nasalanta. May mga namimigay ng relief goods at other donations. Pero ang hirap talaga ng walang kuryente. :( Para na kong nasa Survivor Philippines nito ah. Namimiss na ng mata ko ang tumingin sa bukas na tv. Namimiss na ng buhok ko ang hanginin sya ng electric fan. Namimiss ko na din ng sobra-sobra an computer. Basta, namimiss ko na mgakakuryente !! :(

Nung gabi, pumunta kami sa SM Taytay para magpalamig, kumain at bumili ng pagkain at tubig. Nagkakaubusan na kasi sa Cainta. Habang kumakain ako ng pusit na walang kalasa-lasa sa foodcourt, naisip ko na naman ang mga friends ko. Sana talag ayos lang sila. :( At nung pauwi na kami, mistulang Ghostown talaga ang bawat vllages na madaanan namin. Bago naman ako matulog, habang pinaglalaruan ang kandila na nagsisilbing ilaw sa kwarto, iniisip ko, "Kelan kaya magkakakuryente??" :( Sabay napaso. :| :)))

Sept. 30

Finally, at exactly 11:15 pm ay nagkakuryente na. Hha. Talagang alam yung oras enu? XD inaabangan ko na kasi e. Paano ba naman kasi, yung kabilang street may kuryente na tapos kami wala pa. Nagpplano na nga ako nun sumama sa opisina ng aking Mother dear e. Kasi dun may kuryente. Buti na alng talaga. Kaso, wal pa din telepono at signal sa cellphone. Wal pa din connectio nsa internet. Peor okay na yun. Atleast makakatulog na ko ng ayos. ;)


Ngayon, October 2 and after a couple of minutes, it's October 3. XD

Ayun, ayos na kami dito. Thank God. (: Kaso wla pa din kao masyadong balita sa mga ilang friends ko. Wala pa din kasing signal sa cellphone at linya ng telepono. Sana talaga ayos lang sila. :( Anyway, nasiraan nga pala ako ng tanim sa Farmville. Malaki din ang nalugi sakin. Asar yan. Pero so far, okay na kami. ;)

PS : Pictures will be posted here soon. :D

Labels: , , , ,


▲ back to the top | comment | 0 comment(s)