» WEEK ONE NG REHEARSAL. @ Sunday, October 11, 2009
Haaay.. nitong isang linggo, nagpraktis ako together with my co-performers para sa intermission number sas Mr. and Ms. KAMS na gaganapin sa November 14. Grabe talaga. Ang dami na agad naming ginagawa na kung anu-ano na exercise. Tapos kapag break time naming mga performers, e Volleyball naman ang inaatupag ng lola mo. :D Kaya halos buong araw kaming nagpapraktis. Inaabot na nga ako ng gabi sa pag-uwi e. Kadalasan tuloy tanging matulog at humilik na lang ang nagagawa ko pagkadating sa bahay. Haaay.. tapos nitong Thursday lang, nakilala na naming yung magiging Choreo namin. Iba pa kasi yung nagtuturo samin ng exercise sa talagang magtuturo sa amin ng dance steps. Then nung nakilala naming ang kagalang-galang naming Choreo, . TSK, TSK, TSK – yan na lang ang masasabi ko. Ahaha. =))) Mahigpit kasi siya. Yung tipong kasinghigpit ni Douglas Nieras. =))) Ang taray pa nga e. Kaya tuloy kinakabahan ako nun. Plus, sa dami-dami ba naman na pwestong pwede kong lagyan e sa gitna pa. Waaah. Ewan na. XD Pwedeng mag back-out ? =))) :P Tsk. Panu ba yan, Eh this week, rehearsal na naman namin. Tuloy-tuloy na yun hanggang November. Mamimeet na naman namin sya. Waaah. Ewan. Bahala na. Goodluck na lang sayo, Lindsay. =))) =))) :P
Labels: Choreographer, dance, KAMS, random, school, Stress, tires